Matindi 'yung ulan. Pero hindi siya malakas. Hindi nakaka-irita. Tamang-tama ang timpla ng hihip ng hangin at lamig ng ulan. Ito 'yung tipo ng ulan na masarap lakaran, susup ang isang yosing 'di nauubos at walang pakialam sa mundo.
Masarap mangarap at managinip. Pero hahatakin ka ng trabaho.
"Doc, andito na ung biktima," Si Jun-jun 'un. Bago pa lang dito. Tinatawag pa akong "doc".
"Sige, andiyan na ko," Mahaba pa ang gabi at hinithit ko ang sigarilyo hanggang sa makakaya ko. Pagmumuni-munian ko sana ang mga upos na dahan-dahang nalalagas at nagbabago ng kulay pero nilamon na sila ng basa at ulan.
Hindi ako doktor. Ang doktor sumsagip ng buhay. Walang buhay sa mga pasyente ko. Lahat ng kliyente ko nakahalandusay sa estero, nakakumot ng dyaryo, may neck-tie na lubid, o may tinunggang bala.
"Maria Juana," Ayos. Sinong magulang sa tamang pag-iisip ang magpapangalan sa anak nila ng Maria Juana? Alam mo ba sa Italya bawal mag-puta kung ang pangalan mo Maria? Pero wala namang pangalan ang mga puta 'di ba?
"Jun, anong kaso nito?"
"Doc, ano po, nagkaroon ng away sa bar, d'un sa pinagtratrabahuhan n'ung biktima, ang pangalan...nandito sa report eh, nabasa ko kanina...so nagkaroon ng kaunting kaguluhan, pero ayon sa mga saksi wala naman daw nagbarilan o naglabas man lang ng baril pero n'ung humupa 'ung gulo, nakita ho itong si Maria nakalugmok sa isang lamesa, duguan, may tama ng baril sa balikat, tiyan, at ulo."
Ayos din 'tong si Jun. Tinatawag pa akong doc ng ulol.
Sa larangan ng medisina mas maraming natutunan sa patay. Wala ka halos matutunan sa mga buhay na pasyente. Puro maririnig mo lang kesyo masakit ito, masakit iyon, o kaya nasusuka ako, masyado malamig, masyado mainit, wala akong naaalala, hindi naman po, hindi naman ganun, medyo lang. Puro bullshit. Mabuti pa ang patay. Hindi nagsasalita. Kaya hindi nagsisinungaling.
"Kaya malamang gun shot wound ang ikinamatay, ano?"
"Yes, doc." Ulol.
Sa report tatlo daw 'ung gun shot wound. Isa sa ulo sa may kanang banda, isa sa tiyan malapit sa puson, at meron pa sa balikat, pero daplis lang. Tama naman nandito lahat sa biktima. Si Maria. Pero bakit wala sa damit?
May mga pasa din. May pasa sa mga kamay at sa magkabilang tuhod. May pamilyar na marka sa likod ng hita. Malambot ang tiyan pero may hangin na. Malambot din ang matres. Kakaibang lambot.
"Jun, akin na ung gloves."
"Eto, doc."
'Di ko na natiis, "Jun, pag tinawag mo pa akong "doc" malalam mo kung bakit hindi "doc" ang tawag sa akin."
"Yes,do...po."
Leche ang mga gloves na pinadadala sa morgue. Kung hindi maliit na sobrang sikip na parang
five-fingered condom ang dating ng kamay mo sobrang luwag naman na tipong titi ng hapon ang dating ng daliri mo. Pero kailangan na pag-ubrahin ito.
Pagpasok pa lang sa pwerta ng kamay ko kumpiramado na hinala ko pero may gusto akong hanaping ebidensya para sigurado. Kaya pinasok ko pa hanggang mapapasok ko, madaming gamot ang ginamit nila kaya madali na lang, bukang-buka na. Palagay ko minadali nila kaya maraming gamot ang inilagay at malamang hindi na nila natutukan 'ung ginamit na pampamanhid at pampatulog. Kaya sigurado ko may naiwan sila sa loob. Ayun.
"Jun?"
"Po?"
"Tumawag ka sa HQ. sabihin mo kailangan natin ng DNA Analysis."
"DNA Analysis? Meron po ba tayo n'un?"
"Oo. Sabihin mo personal account ko."
"Sagot niyo, do...po?"
"Oo, sagot ko. At, Jun?"
"Po?"
"Catch."
"Shit!"
Inintay kong ihulog niyo o malaglag ang ebidensya. Pero nandidiri man siya hindi niya binitawan ang maliliit na daliri na binato ko sa kanya. Mas mahalaga ang ebidensya. Mas mahalaga pa sa buhay mo. Kaya ano man ang mangyari hindi mo pakakawalan ang ebidensya maging maliit na kamay man ito ng fetus. Inintay kong masuka si Jun pero matibay rin pala ang sikmura niya. May potential. Tumungo ako sa biktima. Maria Juana. Sinong nakabangga mo at ginawa kang over-sized balut?
Wednesday, May 6, 2009
Tuesday, May 5, 2009
Paalala
Mga paalala lang.
Una, hindi ako isang writer. Gusto ko sana maging writer pero hindi ko alam kung kaya ko o pwede ba ang mga tipo ng kwentong gusto kong ikwento.
Pangalawa, kahit nabanggit ko na malamang maging Filipino-English ang kwento hindi naman siguro mapupunta doon kung hindi kailangang-kailangan. Pumapaibabaw pa rin ang pagnanais kong purong Filipino ang kwento pero gusto ko rin naman accessible at hindi masyadong malalim.
Pangatlo, hindi ako espesyalista sa wikang Filipino. Naalala ko 'ung ibang rules sa pagsusulat sa Filipino, kung kailan nagiging m ang ng at kung kailan gagamitin ang ' at `. Pero hindi ko siya naaalala ng buo at malamang hindi ko siya magamit lagi. Alam kong kasama sa pagsulat ng kwento ang tamang porma at paggamit ng tinatawag na nuances of the language pero hindi yun yung dahilan kung bakit nagsusulat ako ng kwento. Ang puso ng kwento ay ang kwento hindi kung nilagyan mo ng ' at ` ang mga salitang dapat lagyan o napalitan mo ng m o ng n ang ng o ginamit mo ang - at kung anu-ano pang ibang bullshit.
Kung gusto niyo mag edit ng kwento ko, sige lang. Pwede rin kayong mag-apply pero wala akong ipambabayad sa inyo.
Un lang.

Pasakalye
Paboritong Filipino word ko yan, "pasakalye". Ang sarap kasi pakinggan.
Hindi ko alam kung bakit gumawa na naman ako ng isa pang blog sa ibabaw ng sangdamakmal na blogs na meron ako. Kahit marami na akong blogs na ginawa, meron silang one thing in common, lahat sila walang bumabasa.
Kakaiba din itong blog na ito. Ngayon lang ako nagsulat ng Filipino-English. Oo, hindi Taglish dahil ang Tagalog isang dialect lang sa Pilipinas. Ang national language dito, Filipino. May ilang taon na rin ang nakalipas noong inilabas ang makabagong "Darna" na komiks. Okay na sana kaya lang putcha in English. At noong interbyuhin ung involved sa paggawa nung komiks, ang sabi niya kaya daw in English kasi daw sa Pilipinas, hindi naman daw Tagalog ang predominant language o dialect. Kung tutuusin daw mas maraming nagasasalita at nakaiintindi ng Bisaya (o some other dialect na di ko na maalala kung alin ung binanggit niya) kaya daw English na lang para walang away. Bullshit.
Malamang kaya ko ginawa itong Nth blog na ito eh dahil gusto kong magsulat. Magsulat ng wala lang. Hindi seryosong pagsusulat. Dahil sinubukan ko na siyang gawin at hindi ako nasiyahan. Parang masyadong nagiging trabaho. Di ko naeenjoy. Chickenjoy!
At isa pa siguro mas marahil ito talaga 'ung dahilan. Gusto ko magsulat ng mga kwento sa Filipino. Mga kwentong kakaiba pero nakasulat sa Filipino na hindi malalim pero hindi rin mababaw. Ung tamang timpla ng kwento na accessible kung baga. Kung tutuusin naman, ang isang magandang kwento maganda pa rin kahit na anong wika ito nakasulat. Pero may mga tipo ng kwentong mas angkop gamitan ng sariling wika tulad ng mga kathang krimen, mga nakakatakot ng kwento, at maging mga kwentong kakaiba at pantastiko. Ang hirap nga lang dahil may mga salitang wala ng katumbas sa wikang Filipino dahil hindi na napagtuunan ng pansin na isalin ito. Kaya para magsulat sa iisang wika lang tulad ng Filipino lalu na sa mga kwentong krimen, horror, at sci-fi, siguradong mahihirapan ka dahil dadating sa punto na gagamit ka ng kakaibang salitang Filipino na nakaka-turn off ng ibang readers dahil sobrang lalim nito o gagamit ka ng salitang English na nakaka-turn off din ng ibang readers dahil nagiging Filipino-English ang kwento.
Pero palagay ko may magandang timpla ng Filipino-English na pwedeng gamitin sa paglathala ng kwento. Ung timpla na ginagamit natin sa bahay, sa kalye, sa trabaho. Siyempre sa trabaho lahat tayo pa-english-english pa pero ang totoo, sa simpleng kwentuhan kahit saan, halo na ang wikang ginagamit natin. At di na natin napapansin to kasi masarap ang makipagkwentuhan lalu na kung maganda ang kwento.
Kaya ayun. Welcome sa blog na ito at sana bumalik kayo dahil malamang araw-araw na ako magpopost ng kwento at komentaryo. Salamat!

Subscribe to:
Posts (Atom)